Thursday, March 12, 2009

I. Big Panimula

A. Panukalang Pahayag
Maraming paraan para malaman ng manghuhula ang mga mangyayari sa buhay ng isang tao.

B. Introduksyon
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa trabaho ng manghuhula na kilala sa pagiging magaling sa paghula ng mga mangyayari sa buhay ng isang tao o sa paghula sa magaganap sa darating na araw.

Nais mabatid ng pananaliksik na ito ang mga paraan nila sa panghuhula. Nais din ng pananaliksik na ito kung paano nila nalalaman ang kapalaran ng bawat tao. Nais niya din alamin kung saan sila nagumpisa para mapagaralan ang mga ito.

Ito ang napili ng mananaliksik na paksa dahil gusto niya din na malaman kung paano sila nagumpisang manghula. At gusto niya ding makatulong sa mga taong umaasa o naniniwala sa mga manghuhula. Ginawa niya din ito para sa mga mag-aaral na nais mag-aral ukol dito.

C. Rebyu
Ayon sa isang artikulo na galling sa Daily Inquirer, mayroong maraming paraan kung paano makita o malaman ang mangyayari sa buhay ng isang tao. At isa na doon ang pagbabasa sa mga palad ng mga taong huhulaan. Nagsimula ang pagbabasa ng palad sa India. Sumunod naman dito ang China, Egypt at India.

Ang isa namang paraan na kung paano makita o malaman ang mangyayari sa buhay ng isang tao ay ang pagbabasa ng cards. Ayon sa mga nakuha kong datos, ang ibang tao ay hindi interesado sa mga manghuhula pero binibisita nila ito kung may gusto silang malaman. At habang tumatagal, binibisita na nila ito buwan-buwan na para bang may follow-up sila sa kanilang therapy sa ospital.

Ayon naman kay Neal Cruz na sumulat ng artikulo tungkol sa mga manghuhula, marami siyang alam na paraan kung paano makita ng mga manghuhula ang mangyayari sa buhay ng isang tao. Sa tulong ng kanilang bolang kristal at baraha, ito ang nagsisilbing mga medium kaya nakikita nila ang mga pwede mangyayari sa susunod na taon. Ang paglatag ng baraha at pagbasa ng mga palad ay nakakatulong din sa ilan sa mga manghuhula. Ayon din kay Neal Cruz, hindi lang ang mga mapamahiin na tao ang pwede maniwala sa mga manghuhula.

D. Layunin

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na makatulong sa madaming mag-aaral tungkol sa trabaho ng isang manghuhula at kung paano nila nalalaman ang kapalarang ng bawat tao. Ang layunin din ng pananaliksik na ito ay malaman kung paano sila nagsimulang manghula ng mga kapalarang ng bawat tao. Nais din ng pananaliksik na ito na malaman kung may katotohanan nga ba ang kanilang panghuhula.

E. Halaga
Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang madagdagan ang kaalaman nila tungkol sa mga manghuhula. Kung ang mga manghuhula ba ay nakakatulong sa mga tao o nagpapaasa lamang sa kanila.





F. Konseptuwal na Balangkas



Sinasabi nila na ang baraha ay nagsimula sa Tsina, India o Egypt, pero ang totoong pinagmulan nila ay hindi pa rin sigurado at malinaw. Sinasabi rin na ang mga barahang ito ay unang lumabas sa Italy at France noong ika labing-apat na siglo.

Noong una, ito ay ginagamit lamang para sa mga laro, kahit na ang mga Romano ay ginagamit na ito sa panghuhula. Magmula noong ika labing-walong siglo, ang mga baraha ay ginamit na nila sa iba’t ibang tradisyon katulad ng mahika (magic) o pagsamba, at dito nila ibinabase ang nangyayari sa kanilang buhay. Pag may gusto silang malaman ay kinukunsulta nila ito sa kanilang mga baraha. Magmula nitong ika labing-walong siglo at ika labing-siyam na siglo, nadiskubre ang baraha ng mga matatalinong tao at sila ay namangha sa mga larawan ng baraha at sinasabing ito ay mas mabisa kesa gawin itong ordinaryong laro lamang. At dito na nagsimula na kahit na anong klaseng baraha, ito ay ginagamit na sa iba’t ibang paraan, depende sa paniniwala ng bawat tao.

Pinakita nila at inilabas ang totoong pinagmulan ng baraha sa tulong ng pagdurugtong ng baraha sa mga misteryong nangyayari sa Egypt, sa mga pilosopiya at iba pang kababalaghan na nangyayari. Ang mga paniniwalang ito ay nagpatuloy hanggang 20th century nang ito ay napasama sa mga Gawain ng iba’t ibang organisasyon, kabilang na dito ang “Order of the Golden Dawn”. Ang mga baraha ang kanilang ginagamit at ito ang nagpatibay sa asosasyong ito at ngayon nga ay malawakan nang ginagamit sa panghuhula.

Ito ay karaniwang nagging medium nila sa panghuhula. Ang karaniwang pagbabasa ng baraha ay kinabibilangan ng isang tao na naghahanap ng kasagutan sa kanilang personal na katanungan, at isang tao na marunong magbasa or ipaliwanag kung ano ang nababasa sa baraha. Pagkatapos na ito ay balasahin at hatiin sa gitna at pumili ng mga baraha, ang manghuhula ay ilalatag ang napiling baraha at bawat barahang nakalatag ay may kahulugan at bawat kahulugan ng bawat baraha ay pagsasamahin ito ng nagbabasa at sasabihin ito sa taong naghahanap ng kasagutan para siya ay malinawan.


G. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay nagsagawa ng mga panayam sa pamamagitan ng paghanap ng impormasyon sa internet , pagtanong sa mga manghuhula at pagbabasa ng mga artikulo para mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral na magbabasa nito. Naghanap din ang mananaliksik sa silid aklatan ng mga pwede basahin ukol sa kanyang pananaliksik. Nakakalap naman siya ng mga datos na makakatulong sa kanyang pananaliksik.

H. Saklaw/Delimitasyon
Dahil nasa Pilipinas ako, ang mga manghuhula sa Quiapo ang aking pupuntahan at kukuhanan ng mga impormasyon para makatulong sa aking pananaliksik. Sa Quiapo ang pinili ko dahil ako’y nasa Pilipinas at doon din mas kilala ang mga manghuhula. Pupunta ako ng Quiapo pag may mga tanong pa akong kailangan ng sagot.

I. Daloy
Sa unang bahagi ng pananaliksik ay dito tinatalakay ang ukol sa paksa at layunin ng nananaliksik. Pinakikita rin dito ang halaga ng pananaliksik na makatutulong sa mga mag-aaral. Dito rin nailahad ng nananaliksik ang konseptuwal tungkol sa mga manghuhula.

Sa pangalawang bahagi ng pananaliksik ay dito tinatalakay ang depenisyon ng manghuhula. Dito rin tinatalakay ang mga impormasyon na nakalap ukol sa mga manghuhula. Dito rin tinalakay mga posibleng paraan ng mga manghuhula kung paano nila nalalaman ang kapalaran ng isang tao.

Sa huling bahagi naman ng pananaliksik ay nagbigay ng konklusyon ukol sa mga paraang ginagamit ng mga manghuhula. Dito rin isinaad ang interpretasyon ukol sa mga manghuhula. Sinasabi dito kung dapat bang maniwala sa mga manghuhula o hindi. Dito rin makikita ang rekomendasyon ng nananaliksik ukol dito.


II. Big Katawan

A. Small Panimula
Ang mga manghuhula ay mga tao na nagbibigay ng mga kaganapan na “hula” lamang, depende na sa tao kung sila ay paniniwalaan o hindi. May mga tao na madaling maniwala sa manghuhula dahil minsan ito ay nagkakatotoo. Sila ay gumagamit ng baraha, pagbasa ng ating mga palad, bolang kristal o pagtingin sa bilog ng buwan. May mga tao rin na ang takbo ng buhay nila ay binabase sa panghuhula na ginawa sa kanila. Sa bawat bagay na gagawin nila ay nagpapahula muna sila bago nila ito gawin at minsan doon sila kumukuha ng ideya sa pagdedesisyon.

May mga panghuhula at mga kinagawian na ginagamitan ng katawan ng tao, mga pagbabasa base sa balikat ng tao, pagbabasa base sa hugis ng pangangatawan, sa korte ng kanilang pusod sa tiyan, sa pamamagitan ng kanilang pananami at iba pa. Maraming pamamaraan ang ginagamit ang mga manghuhula katulad din ng pagkahol ng aso, sa hugis ng itlog pagkatapos na ito ay basagin, sa pagtingin sa likod ng mga pagong at iba pa.

Ang pagkain naman ay isa sa pinaka popular na paraan ng panghuhula. Ang lahat ay narinig na ang tungkol sa pagbabasa ng dahon ng tsaa, ngunit sino na ang nakarinig na tungkol sa panghuhula na ang gamit ay asin? O ang paggamit ng keso, halimbawa ang hugis at bilang ng butas sa keso. Ang iba naman ay ginagamitan ang paghuhula ng mga apoy, tunog na naririnig sa paligid, sa mga pangitain, liwanag na nakikita o kahit na anong makinang na bagay na nakikita, o ang paggamit na kahit na anong bagay na dumuduyan, dumudulas o pumupulupot, at kung anu-ano pa.

Maraming mga paraan ang ginagamit sa panghuhula, ang iba ay binabase pa ito sa unang panahon at ang katibayan lamang sa panghuhula ay ginagawa noon pa sa Tsina, Egypt, Cahldea at Babylonia.

Isa pang paraan ng panghuhula ay ang pagbasa ng galaw ng mundo, ng mga numero at ang paggamit ng mga baraha, dahon, bolang krystal, tubig, apoy at ang kinalat na asin. Ang panghuhula, bilang proseso ng pagkilala ng karakter ng tao ay malalaman din sa pamamagitan ng pagsulat ng tao, sa pag-aaral ng kanyang pisikal na anyo at ugali, ang korte ng kanyang bungo, at pagbasa ng guhit sa kanyang mga palad.

Ang panghuhula, ang karaniwang naririnig natin tungkol dito ay kung ano ang mangyayari sa ating kinabukasan. Maraming hindi naniniwala dito at meron din namang ilan na naniniwala din. Ito ay depende kung gaano ka naniniwala sa mga pamahiin at kasabihan noong unang panahon at ngayon. May ibang tao na tunay na pinagpala dahil kahit hindi ka pa nagsasalita ay alam na nila ang sasabihin nila, at nasa sa iyo na kung ikaw ay maniniwala o hindi. Marami nang tao ang nagbalak na ito ay pag-aralan para gawing kabuhayan. Ang panghuhula ay naging popular na sa buong mundo at pilit itong iniintindi ng ibang tao. Ngunit mas nauuna sa kanila ang pangungutya, paghusga at kung ano ang naririnig nila ukol dito galing sa ibang tao.


Ang totoong gumagamit nito ay naniniwala na sila ang ama o ina ng kanilang sariling kakayahan at ito ay bigay sa kanila. Ito ay hindi itinuturo ngunit taglay ito sa kanilang katauhan. Puwede mo itong pag-aralan ngunit hindi mo ito lubusang magagawa kung hindi mo ito pag-gugugulan ng mahabang panahon para ito ay matutunan.


B. Small Katawan
Ayon kay Mark Gomez maraming nagiging pangalan ang manghuhula. Tulad ng “psychic, astrologer, clairvoyant, seer, soothsayer, crystal gazer” at iba pa pero kahit kalian hindi sila natawag na “impostor o peke”.

May mga paraan ang mga manghuhula para ikaw ay mapilitang bumalik katulad ng nasa Quiapo ay inihambing niya kay Princess Scheherazade, ang taga-kuwento sa Arabian Nights. Magkukwento ang mga manghuhula ng walang katapusan at minsan ay magbibigay pa sila ng “suspense” para nga naman ay bumalik ang mga customer.

For example, a love-struck man (or woman) is told that somebody is secretly in love with him/her. Naturally, he/she would like to know who it is. And cleverly the manghuhula would answer that the image is still hazy. "We will probably see who it is the next time. Come back (and don't forget my fee)," the manghuhula would say. And like a sap, the victim would keep coming back.

Halimbawa, ang isang lalaki o babae ay sinabihan na mayroong isang tao na tunay at lihim na umiibig sa kanya. Natural, gusto niyang malaman kung sino ito. At ang matalinong manghuhula ay magbibigay ng sagot ng hitsura ng taong ito na nasa imahinasyon niya at sasabihin pa na, “siguro makikita na natin siya sa iyong pagbabalik”. At dahil nga sa kagustuhan mong malaman ang sagot, ikaw ay muling babalik.

Magtatanong ka kung sino iyon at ang manghuhula naman ay magbibigay ng mga sagot na puwede naman mangyari sa kahit na kaninong tao. Kaya ang mangyayari, pag may nakita kang isang tao na nakasulyap sa iyo o biglang napatingin sa iyo, iniisip mo na “baka siya na iyon”. Pero ang lahat ng ito ay hula lamang, na alam naman natin na puwedeng mangyari kahit kanino at kahit kalian. At pag nangyari nga ang mga hula sa iyo ng manghuhula, sasabihin niya naman ay “Kita mo, nangyari ang hula ko!”. Isipin na lang ninyo kung ang mga manghuhula ay kaya nilang mabasa kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, bkit karamihan sa kanila ay mahihirap? Bkit kailangan nilang pumunta sa mga bangketa or karnabal tuwing pista, para lang sila manghula? Bkit kailangan pa nilang manghula sa mga maliliit na bahay na napakagulo? Bakit wala silang mga mansiyon? Bkit hindi sila nananalo sa lotto at sweepstakes? O kaya naman ay bkit hindi sila pumunta sa kasino at gawin itong negosy. Ayon kay Gomez dito napapatunayan kung talagang kaya nilang mabasa ang kinabukasan.

III. Big Pangwakas

A. Small Pangwakas
Ayon sa mga nakalap na impormasyon, ang mga manghuhula ay may iba’t ibang paraan sa panghuhula. May mga totoo din na manghuhula pero depende na sa tao kung sila ay maniniwala o hindi.

B. Konklusyon
Ayon sa mga impormasyong nakalap ng pananaliksik na ito ay marami talagang mga paraan ang mga manghuhula upang malaman ang kapalaran ng isang tao. Ang mga manghuhula din ay may mga paraan para kumita. Isa na dito ang pag-iisip nila ng paraan para bumalik ang kanilang customer. Nasa tao na iyo kung maniniwala ba sila o hindi. Ang panghuhula ay nagmula sa Tsina at Egypt at dito na nagsimulang kumalat ang panghuhula sa mga tao.

C. Rekomendasyon
Maraming mga paraan ang mga manghuhula para malaman ang kapalaran ng isang tao pero wag tayong maniniwala agad. Hindi naman masamang maniwala pero huwag dapat ibase ang buhay sa mga sinasabi ng manghuhula, dahil wala namang ibang nakakaalam ng kung ano ang mangyayari sa atin kundi ang nasa itaas lang - ang Maykapal. Kung tayo ay huhulaan na gaganda ang ating buhay pero hindi naman tayo kumikilos or gumagawa ng paraan para umasenso, wala ring mangyayari. May kasabihan tayo na “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Huwag tayong masaydo maniwala sa mga sasabihin ng mga manghuhula.

6 comments:

  1. masama po bang maniwala sa manghuhula??:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung naniniwala po kayo na may Diyos
      at sa Banal na Biblia
      masama po ang maniwala sa mga manghuhula
      Levitico 19:26
      Levitico 19:31
      Levitico 20:6
      Deuteronomio 18:14
      kasi dati rin po akong hinulaan sa palad nung mabasa ko po ito nagising ako sa katotohanan. mas naniniwala ako sa lumikha ng lahat kesa sa nilikha lamang

      Delete
  2. good day po! maaari ko po ba na malaman ang inyong buong pangalan? gagamitin ko po sana ang research ninyo para sa aking academic journal at makakatulong po ng lubusan ang inyong pangalan. credits na rin po ito sa inyo. Maraming salamat po :)

    ReplyDelete
  3. Matagal ko na pong gustong malaman na bakit minsan nbbasa ko ang palad ng mga tao na ngging kaclose ko pero puro ugali at mga karamdaman nila ang minsan kong ndadama...at nais ko din poh mlamn na minsan nanaginip ako na ngkkatotoo sana po matulungan nio ko....mgaantay pokk ng kasagutan

    ReplyDelete
  4. Dati po sa palad kolang nkikita ang mga kapalaran ng taong gustong mag pahula..sakin piro habang tumatagal at niyayakap ko ang kapalarang ito ay mas lalo akong maraming nakikita hanggang natutunan kong bumasa sa baraha...minsan di ako masaya dahil mas nanaisin ko po ang maging normal na tao

    ReplyDelete